US President Donald Trump negatibo na sa COVID-19

Negatibo na sa COVID-19 si US President Donald Trump.

Ayon ito sa kaniyang doktor na si Dr. Sean Conley.

Sa memo na inilabas ng White House, ilang minuto bago ang campaign rally ni Trump sa Florida, sinabing batay sa huling COVID-19 test ay negatibo na si Trump sa sakit.

Sinabi ni Conley na hindi na makahahawa si Trump.

Ang campaign rally sa Florida ang unang biyahe ni Trump at public event matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

 

 

 

Read more...