Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 355 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, ang naturang LPA ay posibleng mabuo bilang ganap na bagyo sa susunod na 24 o 48 oras.
Sa weather forecast ng PAGASA, sa Palawan, Visayas at Mindanao, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa pinagsamang epekto ng LPA at Habagat.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan dahil sa Habagat at localized thunderstorms.
Ang bagyong may international name na “Nangka” na dating si Nika ay huling namataan sa layong 750 kilometers west ng Northern Luzon.
Isa na itong tropical storm at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Miyerkules makararanas ng maaliwalas na panahon sa Metro Manila pero muling magiging maulan sa Huwebes at sa Biyernes.