Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

May bawas na 10 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang may dagdag naman na 45 centavos sa kada litro ng diesel at 55 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustment ng kumpanyang Chevron kaninang alas 12:01 ng madaling araw.

Alas 6:00 naman ngayong umaga ang price adjustment ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, Seaoil, Total, Unioil, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz.

Habang alas 4:01 pa ng hapon mamaya ang price adjustment ng Cleanfuel.

 

Read more...