Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 45,068

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (October 12, 3:00 PM) nakapagtala ng 1,175 na bagong kaso kaya pumalo na sa 45,068 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,216
Laguna – 13,555
Batangas – 8,027
Rizal – 8,665
Quezon – 2,605

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 15,203.

Nasa 28,842 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 921 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,552
Laguna – 10,651
Batangas – 5,440
Rizal – 4,841
Quezon – 1,358

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 12 kaya umabot na sa 1,023 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 250
Laguna – 228
Batangas – 198
Rizal – 264
Quezon – 83

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

Read more...