Magnitude 5.0 na lindol naitala sa Dapa, Surigao Del norte

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers southwest ng bayan ng Dapa, alas-3:21 madaling araw ng Martes (October 13).

May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Surigao City; Dapa, Surigao Del Norte
Intensity II – Borromeo, Surigao Del Norte; Carrascal, and, Tubod, Surigao Del Sur

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian pero ayon sa Phivolcs, maaring magdulot ng aftershocks ang pagyanig.

Read more...