Higit 100 residente sa Central Visayas, gumaling sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 30 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 12, 21,508 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,060 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 106 ang bagong gumaling kung kaya 19,150 na ang COVID-19 recoveries.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, nanatili sa 1,298 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...