Tatlo pang may kalakasang pagyanig naitala sa General Luna, Surigao del Norte

Ilang beses nang nakapagtatala ng may kalakasang lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.4 pagyanig sa 20 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, ala-1:00 madaling araw ng Martes (October 13) at may lalim na 13 kilometers.

Magnitude 3.9 na pagyanig naman ang sumunod na naitala sa 37 kilometers northeast ng bayan parin ng General Luna, alas-2:17 madaling araw at may lalim na 11 kilometers.

Alas 3:21 ng madaling araw ay naitala din ang magnitude 4.5 na lindol kung saan may naitalang intensities sa Surigao City at Gingoog City.

Habang alas 5:07 ng madaling araw ay nakapagtala pa ng magnitude 4.0 na lindol sa bayan pa din ng General Luna.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...