Ito ang sinabi ni Education Usec. Tonisito Umali kasabay ng pagtitiyak na sa ngayon, walang ‘face-to-face classes’ na nangyayari saan man panig ng bansa.
Kasabay nito, ang kanyang pag-amin ng ilang maling nilalaman ng ipinamahaging self-learning modules at humingi si Umali ng pang-unawa sa pangyayari.
“Itatama po natin yan. Tayo ay nagsisikap na maging perpekto ang lahat. Sisakapin po natin kahit hindi perpekto ang ating sitwasyon,” sabi ng opisyal.
Noong Oktubre 5, muling nagsimula ang mga klase at agad binaha ang social media ng mga maling nilalaman ng modules at marami sa mga ito ang naging tampulan ng kakatawanan.