Mga naka-recover sa COVID-19 sa Muntinlupa City, nasa 4,125 na

Nasa 4,476 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 12), sa nasabing bilang ay 203 ang aktibong kaso.

454 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 194 ang suspected cases.

Samantala, 4,125 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 148 naman ang nasawi.

Read more...