Mga gumaling sa COVID-19 sa Navotas City, nadagdagan ng 17

Nasa pito ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (October 12), umakyat na sa kabuuang 5,014 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 137 ang aktibong kaso o katumbas ng 2.7 porsyento.

17 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,733 na ang total recoveries o 94.4 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 144 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...