251 pang katao, nagpositibo sa Western Visayas

Nagpositibo ang 251 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 12, umakyat na sa 13,822 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,443 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 76.21 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

556 naman ang gumaling pa kaya 10,045 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 334 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...