Higit 15,000 pulis, naparusahan dahil sa iba’t ibang kaso – PNP

Simula noong 2016 hanggang ngayon, 15,768 pulis na ang naparusahan dahil sa iba’t ibang asunto, ayon kay PNP Chief Camilo Pancratius Cascolan.

Aniya, sa naturang bilang, 4,691 ang tinanggal sa serbisyo at 549 sa kanila ang naharap sa mga kasong may kinalaman sa droga, 410 ang nagpositibo sa paggamit ng droga at 139 naman ang nasangkot sa illegal drug activities.

Sinabi ni Cascolan na ito ay resulta ng ikinakasa nilang internal cleansing program sa kanilang hanay.

Kabilang din sa mga kinaharap ng mga nasibak na pulis ay grave misconduct, serious neglect of duty, serious irregularity, malversation, dishonesty at graft and corruption.

May 7,888 din ang nasuspinde at 846 naman ang ibinaba ang ranggo bilang parusa.

Read more...