Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 14 kilometers Northeast ng Valderrama.
Tumama ang lindol dakong 9:13 ng gabi.
Tectonic ang origin ng lindol at 11 kilometers ang lalim.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na hindi nagdulot ng pinsala sa Valderrama at iba pang karatig-bayan.
Wala rin anilang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES