Metro Manila at ilang parte ng Central Luzon, uulanin pa rin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa bahagi ng Central Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Rizal, Tarlac, Bataan at Nueva Ecija.

Kaparehong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Metro Manila, Batangas, Pampanga, Laguna, Zambales, Bulacan, Cavite at Quezon.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...