Karaoke at videoke activities sa Cavite, nilimitahan na

Nilimitahan na ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang oras ng pagsasagawa ng karaoke at videoke activities sa probinsya.

Batay sa kaniyang anunsiyo sa Twitter, ito ay alinsunod sa Provincial Ordinance 304-2020.

Sa ilalim nito, papayagan ang karaoke at videoke activities sa Cavite mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi lamang.

Sinabi ng gobernador na sinumang lumabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 at pagkakakulong ng 30 araw.

“BREAKING: Karaoke or videoke activities in the whole province of Cavite shall now be limited from 5-8PM only via Provincial Ordinance 304-2020. A fine of P1000 & imprisonment of up to 30 days may apply upon discretion of the court. This ordinance shall take place immediately,” saad sa tweet ni Remulla.

Read more...