Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, naging tropical storm ang bagyo dakong 2:00 ng hapon.
Ayon sa weather bureau, asahang lalakas pa ang bagyo sa susunod na 24 oras.
Gayunman, nakalabas na ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang 11:00 ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 520 kilometers Kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Sur dakong 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Hainan Province sa southern China sa Martes ng hapon o gabi, October 13.
Mula Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga, bunsod ng bagyo at Southwest Monsoon o Habagat, iiral pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Camarines Provinces, Mindoro Provinces, at Palawan kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands).
Sinabi rin ng PAGASA na posibleng makaranas ng pagbaha at landslides dulot ng mabigat at tuluy-tuloy na buhos ng ulan.
Dagdag pa ng weather bureau, nakataas pa rin ang gale Warning sa seaboards ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, at Bataan.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA na mapanganib pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga nabanggit na lugar.