Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 12, umakyat na sa 11,082 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 80 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,144 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
217 naman ang bagong gumaling kung kaya 7,316 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, nasa 802 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,347 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,209 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 810 naman ang kaso sa Americas at 1,716 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.