Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 12), umabot na sa 342,816 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,332 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,564 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.8 porsyento ang asymptomatic; 1.7 porsyento ang severe habang 3.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 11 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,332 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 150 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 293,152 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.