Sa kanyang talumpati matapos iluklok na House Speaker, sinabi ni Velasco na sa nangyari sa araw ng Lunes, October 12, ay makatitiyak na makakapasa sa oras ang pambansang pondo, ito ay legal at naayon sa Saligang batas.
Sinabi nito na susuportahan din niya bilang pinuno ng Kamara ang mga legislative agenda ng Pangulo na magiging legacy ng administrasyon nito.
Lilika aniya sila ng batas para sa mga hindi lamang para sa mga Filipino sa bansa kundi maging ang nasa ibayong dagat tulad ng para sa trabaho, ekonomiya, healthcare, pagkain, peace and order at clean ang sustainable energy.
Ngayong araw din ayon kay Velasco ang Day 1 ng bagong kabanata sa Kamara.
Matapos maluklok si Velasco ay nanumpa kay Barangay Chairman Allan Franza ng Barangay Matandang Balara, Quezon City.