RTVM, nagpaliwanag sa presensya ng kanilang crew sa QC Celebrity Club

Nagpaliwanag ang Radio Television Malacañang sa presensya ng kanilang crew sa Quezon City Celebrity Club kung saan naganap ang pagapatalsik sa puwesto kay Speaker Alan Peter Cayetano at palitan ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.

Ayon kay Demic Pabalan, director ng RTVM, nasa Kamara ang kanilang crew para mag-cover sana sa budget hearing.

Pero inabisuhan ang kanyang mga tauhan na magtungo sa Celebrity club.

“Our tech crew is in HoR to cover the budget hearing. Crew were told to go Celebrity club instead,” pahayag ni Pabalan.

Una nang umani ng batikos ang RTVM dahil sa pagco-cover sa bangayan sa Speakership sa Kamara.

Read more...