Ito ang iginiit ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II kasunod ng pagsasagawa ng sesyon nga mga sumusuporta kay Velasco sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.
Sa nasabing sesyon ipapadeklarang bakante ang posisyon ng Speaker at ihahalal na si Velasco kapalit ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Naka-suspinde anya ang sesyon hanggang November 16 at wala pang ibinibigay na authority mula sa plenaryo na opisyal na magre-reconvene ngayong araw.
Bukod dito, ang mace na opisyal na ginagamit at simbolo ng paguumpisa ng sesyon ay nasa pagiingat ng House Sergeant at Arms at wala sa kampo ni Velasco kaya iligal na matatawag ang kanilang pagsasagawa ng sesyon.
Paliwanag pa ng Deputy Speaker, hindi tulad sa isinagawang sesyon sa Batangas matapos ang pagputok ng Bulkang Taal ay wala namang resolusyon na ipinasa ngayon para magsagawa ng sesyon sa ibang lugar maliban sa plenaryo na malinaw aniyang labag sa Konstitusyon.