Ayon kay House Committee on Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda nasa 187 na ang bilang ng mga kongresista na nagpahayag ng suporta kay Velasco upang maging speaker kapalit ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa 187 anya na nagpahayag ng suporta kay Velasco, 167 na ang nakalagda sa manifesto.
Naniniwala rin si Salceda na “will ng majority” ng pagdaraos ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa dahil nagawa na rin ito ngayong taon sa lalawigan ng Batangas.
Iginiit din nito na igagalang ng Malakanyang at kikilalanin ang pagiging speaker ni Velasco bilang ito ang pasya ng nakararami at hiwalay na branch sila ng gobyerno.
Samantala, sinabi naman ni House Sgt. At Arms Ramon Apolinario na nasa kanyang pangangalaga ang mace ng Kamara na kailangan para magong official ang sesyon ng mga kongresista.