Mataas na lider ng Abu Sayyaf naaresto sa Zamboanga City

Isang mataas na lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto sa Zamboanga City.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Hassan Anang Mohammad alyas Usi na nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Intelligence Group, Criminal Investigation and Detection Group, Police Regional Office 9, National Intelligence Coordinating Agency at Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command.

Sinabi ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan na si Mohammad ay senior leader ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagdukot at pamumugot ng ulo ng magsasakang si Doroteo Gonzales sa Basilan noong May 2009.

Si Gonzales ay dinukot at saka pinugutan matapos mabigo ang pamilya niya na makapagbayad ng ransom money.

Si Mohammad ay mayroong hinaharap na warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 16 sa Zamboanga dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom.

 

 

 

Read more...