Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 172 kilometers southeast ng Sarangani, alas-9:20 umaga ng Lunes (October 11).

May lalim na 120 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...