Mga kaalyado ni Velasco sa Kamara ipadedeklarang bakante ang posisyon ng pagka-speaker

Ipadedeklarang bakante ngayong araw ang ang posisyon ng pagka-speaker sa Kamara.

Kinumpirma ito ng mga kaalyado sa Kamara ni Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon sa manifesto mula sa kampo ni Velasco, pagkatapos ipadeklara na bakante ang pwesto ni House Speaker Alan Peter Cayetano ay ihahalal naman nila si Velasco.

Ang naturang manifesto ay kinumpirma ng tatlong mambabatas na kinabibilangan nina Oriental Mindoro 1st District Rep Doy Leachon, Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, at Valenzuela 2nd District Rep, Eric Martinez.

Anila layon nitong maiwasan ang pagkakabinbin sa pagpasa ng 2021 national budget.

 

 

Read more...