Kaso ng COVID-19 sa India mahigit pitong milyon na; halos mapantayan na ang COVID-19 cases sa USA

Halos mapantayan na ng India ang kaso ng COVID-19 sa USA.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 67,700 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,119,300 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India.

Samantala, mahigit 863,000 pa ang active cases sa India.

Mas mataas naman ang bilang ng recoveries ng India kumpara sa US, dahil ang US ay mayroong mahigit 5.1 million na total number of recoveries.

Mahigit 2.6 million pa ang active cases sa US.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 800 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 109,184 na.

 

 

 

Read more...