Pilipinas pang-18 na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Umakyat ang antas ng Pilipinas sa world ranking ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Mula sa pang-19 ay pang-18 na ngayon ang Pilipinas sa ranking.

Nahigitan na kasi ng Pilipinas ang Saudi Arabia sa total confirmed cases ng COVID-19.

Ang Pilipinas ay mayroong 339,341 na total confirmed cases habang 339,267 ang Saudi Arabia.

Sa ASEAN, ang Pilipinas din ang may pinakamaraming total confirmed cases.

Gayunman, mas mababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kumpara sa Indonesia.

Ang Indonesia ay mayroon pang 66,945 na active cases habang 39,945 na lang ang active cases sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...