LPA sa Ilocos Sur isa nang ganap na bagyo; isa pang LPA sa Surigao posible ding maging bagyo

Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Ilocos Sur.

Ang bagyo na pinangalanang Nika ay huling namataan sa layong 245 kilometers west ng Sinait, Ilocos Sur o nasa West Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Nika ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Samantala, ang isa pang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 670 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Sinabi ng PAGASA na may posibilidad na maging ganap ring bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 48 oras.

Magiging maulap ang papawirin na mararanasan sa bansa ngayong araw dahil apektado ng Habagat ang halos buong bansa o mula Central Luzon hanggang sa Mindanao.

Dahil dito, ang Central Luzon, Pangasinan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan ay makararanas ng monsoon rains.

Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

Read more...