Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, October 12, orange rainfall warning ang umiiral sa Zambales.

Yellow warning naman ang nakataas sa Bataan.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Laguna, at Quezon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang umiiral na sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Batangas, at Rizal.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng bagyong Nika at ng Habagat.

 

 

Read more...