Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 4,716 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, October 11), nasa 4,716 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 2 ang nadagdag.

Isa naman ang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 144 na.

Ang bilang naman ng active cases ay 147 kung saan 7 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,007 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

Read more...