Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, October 11, 2:53 PM), umabot na sa 484 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 13 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,456 kung saan 20 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 156.

Umabot naman na sa 5,096 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 10 habang 1,635 naman ang suspected cases.

Read more...