Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 11, umakyat na sa 10,869 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 80 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,149 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 6,919 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, nanatili sa 801 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,137 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,209 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 810 naman ang kaso sa Americas at 1,713 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.