Apela ni Pangulong Duterte sa mga kongresista, isantabi muna ang pulitika para sa 2021 budget – Palasyo

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na isantabi muna ang pulitika at atupagin muna ang pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa P4.5 trilyon.

Pahayag ito ng Palasyo sa patuloy na girian sa Speakership sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman nakikialam o nanghihinasok ang Pangulo sa usaping pangloob ng Kamara pero hindi dapat na balewalain ang budget.

Umaasa aniya ang Pangulo na magkakaroon ng special session ang Kongreso sa October 13 hanggang 16 para talakayin ang budget.

“May mensahe lang po ag ating preisdente. lalung lalo na po sa mga miyembro ng mababang kapulungan. Hindi po nakikisali, hindi nakikialam sa politika ng mababang kapulungan ang presidente. uulitin ko po hindi po naghihimasok, hindi nakikialam ang presidente sa nangyayaring girian para sa pwesto ng speaker diyan po sa mbabang kapulungan. Ang panawagan po niya sa ating mga kongresista: isantabi muna po ang politika para maipasa po natin ang proposed 2021 budget,” pahayag ni Roque.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi katanggap-tanggap na maantala ang budget dahil nakasalalay doon ang recovery at rehabilitation plan ng pamahalaan sa COVID-19.

“Inaasahan po ng ating Presidente na alinsunod sa kanyang proclamation, magkakaroon po ng special session ang mababang kapulungan mula 13 hanggang 16 ng buwang ito. Ang panwagan po ng presidente sa ating kongresista, itigil na po ang politika, ipasa ang antional budget at hindi po nakikisali, naghihimasok ang presidente sa pagpili ng House Speaker na sana po isantabi na muna ng umusad ang proseso ng pagapsa ng national budget. Yan lang po maraming salamat po sa ating mga kongresista and the Presidente looks forward to your utmost cooperation,” pahayag ni Roque.

Read more...