Orange rainfall warning, nakataas sa Zambales

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa bansa.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Nakataas ang orange warning sa Zambales.

Yellow warning naman ang nakataas sa Metro Manila, Bulacan, at Bataan.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Mararamdaman naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Pampanga, Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite, at Quezon.

Light to moderate rains naman ang iiral sa parte ng Batangas.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...