BREAKING: Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 293,075 na

Mahigit 2,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (October 11), umabot na sa 339,341 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 39,945 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,502 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.2 porsyento ang asymptomatic; 1.8 porsyento ang severe habang 3.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 83 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,321 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 17,057 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 293,075 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...