WATCH: Video ng LRT line 1 na pinaandar ng bukas ang pinto, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang video na ipinost ng isang pasahero ng LRT line 1 na nagpapakita ng pag-andar ng tren habang nakabukas ang pinto.

Sa video ng facebook user na si James Cubelo, sinabi nito na sumakay siya at ang kaniyang kabigan sa LRT Central station kagabi (March 10) alas 6:00 ng gabi.

Umandar aniya ang tren kahit hindi pa nagsasara ang pintuan ng coach ng LRT kaya nagulat ang mga pasahero.

Ang tanging sinabi aniya sa kanila ng gwardya ay “kumapit na lang sila ng mabuti”.

Sinabi ni Cubelo na para silang nasa rides ng isang amusement park pero labis ang kaba nila ng oras na iyon dahil alam nilang sobrang delikado ang sitwasyon. Wala naman silang magawa dahil nakaandrar na ang tren.

Pagsapit sa U.N station, sinabi ni Cubelo na nadagdagan pa ang pasahero, mas naging siksikan pero umandar pa rin ang tren kahit hindi sarado ang pinto sa kanilang coach. “kung makikita nyo din, mas delikado ngayon kasi yung mga nasa harap ng open door, as in konting galaw lang, may possibilities na mahulog. Nakakahiya naman sa mga foreign students na nakasabay namin, naranasan pa nila ‘to,” ayon kay Cubelo.

Nanawagan si Cubelo sa LRT management na tiyakin naman ang kaligtasan ng mga pasahero.

So ayun nga, dumating kami sa U.N. station. nadagdagan ng passengers, mas sikisikan, syempre mas iba na ang Intensity…

Posted by James Cubelo on Thursday, March 10, 2016

So ayun nga, dumating kami sa U.N. station. nadagdagan ng passengers, mas sikisikan, syempre mas iba na ang Intensity…

Posted by James Cubelo on Thursday, March 10, 2016

Read more...