Road reblocking isasagawa ng DPWH ngayong weekend

EDSA reblockingMagsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila simula mamayang gabi hanggang sa Lunes ng umaga.

Sa abiso ng DPWH, apektado ng road reblocking ang EDSA kanto ng NIA Road sa 1st and 2nd lane northbound.

May reblocking din sa Commonwealth Avenue mula Don Antonio drive hanggang Luzon Avenue 3rd lane southbound.

Gayundin sa C.P. Garcia Street kanto ng Magiting Street 2nd lane southbound.

Tatagal ang reblocking sa nasabing mga lansangan mula alas 10:00 ng gabi (March 11) mamaya hanggang sa Lunes (March 14) ng alas 5:00 ng umaga.

Sa Ortigas Avenue, magsasagawa naman ng asphalt overlaying sa westbound lane ng Ortigas Avenue mula alas 10:00 ng gabi ng March 12 hanggang alas 5:00 ng umaga ng March 13.

Pinapayuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorist na iwasan ang nasabing mga lansangan para hindi maabala ng traffic.

Read more...