Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.
Nakataas ang yellow warning sa Zambales.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Iiral naman ang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos na ulan sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Rizal, Bataan sa Morong at Dinalupihan; Laguna sa Mabitac, Pakil, Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Cavinti, Pagsanjan at Magdalena; Nueva Ecija sa San Leonardo, Penaranda at Gapan; Tarlac sa Bamban at Capas; Cavite sa Cavite City; Quezon sa Alabat, Perez, Mauban, Tayabas, Pagbilao, Lucena at Sariaya.
Mararanasan naman ang light to moderate na may occasional heavy rains sa Batangas at ilang parte ng Bataan, Laguna, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite at Quezon.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.