Sarangani, Davao Occidental nilindol

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 141 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 2:16 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at 13 kilometro ang lalim.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Sarangani at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...