Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 20,671 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (October 11).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,428 o katumbas ng 12 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
17,660 total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 583 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,169 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES