9 ang nasawi sa riot sa Bilibid

Patay ang siyam na gang members sa riot na naganap sa loob ng New Bilibid Prison Biyernes (Oct. 9) ng madaling araw.

Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaglag nagsimula ang riot sa pagitan ng mga miyembro ng Sputnik at Commando Gangs ala 2:30 ng madaling araw.

Kabilang sa nasawi ang dalawa mula sa Commando Gang at 7 mula sa Sputnik.

Sinabi ni Chaclag na maliban sa mga nasawi ay may mga nasugatan din.

Naawat ang riot dakong alas 4:00 na ng madaling araw.

 

 

Read more...