Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 9), umabot na sa 334,770 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 53,311 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,996 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.9 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Dahil dito, umakyat na sa 6,152 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,045 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 275,307 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.