Pahayag ito ni Cayetano kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa gitna ng girian sa isyu ng speakership.
Bukas din aniya siya sa apela ng Pangulo na ihinto na ang pamumulitika dahil inilalagay lamang nito sa peligro ang kapakanan ng publiko lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.
Kasabay nito ay muling humingi ng paumanhin si Cayetano sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino dahil sa anxiety na kanilang idinulot sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi ni Cayetano na sa Nobyembre 5 ay isusumite na nila sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill upang sa gayon ay maipagpatuloy na rin ng mataas na kapulungan ang kanilang mga pagdinig.
Mas maaga ito bago ang formal transmittal ng GAB sa Nobyembre 16 pagkatapos nilang mapagbotohan ito sa ikatlo at huling pagbasa.
Siniguro din nito na Ang pondong kanilang tinatalakay ay tutugon sa epekto ng public health crisis at para sa hinaharap ng bansa.