Heavy rainfall warning sa Laguna at Quezon binawi na ng PAGASA

Terminated na ang heavy rainfall warning na itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Ayon sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 11:00 ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 9 mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lang ang naranasan sa Laguna at Quezon sa nakalipas na mga oras.

Samantala, makararanas pa din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Pampanga at Tarlac.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, at Rzal.

 

 

Read more...