Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Oct. 9) ay 36,734,559 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 344,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 54,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 70,800 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 27,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,831,371
India – 6,903,806
Brazil – 5,029,539
Russia – 1,260,112
Colombia – 886,179
Spain – 884,381
Argentina – 856,369
Peru – 838,614
Mexico – 799,188
South Africa – 686,891