Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.37 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes(October 9) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 178.05 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.68 meters mas mababa ng bahagya sa antas nito kahapon na 99.73 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.44 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.43 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.