Truck tumagilid malapit sa Ayala Bridge sa Maynila

Isang truck na may kargang container van ang tumagilid sa bahagi ng Ayala Bridge sa Maynila.

Galing ng Laguna at patungo dapat ng Pier sa Maynila ang truck nang tumagilid ito pagbaba ng Ayala Bridge.

Basag ang windshiled ng truck at humiwalay at nahulog sa kalsada ang karga nitong container van.

Naglagay ng kusot ang mga otoridad sa kalsada dahil tumagas ang gasolina mula sa truck.

Tumakas ang driver at pahinante ng truck matapos ang insidente.

 

 

 

 

 

Read more...