Tangkang pagdukot sa gobernador ng Michigan naharang; 13 katao arestado

Naharang ang plano ng isang grupo na pagdukot sa gobernador ng Michigan.

Nadakip ang 13 katao kabilang ang pitong lalaki na kasapi ng “Wolverine Watchmen” militia group.

Tinarget ng grupo na dukutin si Gov. Gretchen Whitmer isang Democrat.

Natuklasan sa plano ng grupo ang pag-recruit nila ng 200 katao upang lusubin ang state capitol sa Lansing.

Sa isang news conference inakusahan ni Whitmer si Trump na hinihimok nito ang extremist groups na targetin siya.

 

 

Read more...