SMC pinalawig ang livelihood program nito sa lalawigan ng Quezon

Limampung residente ng bayan ng Sariaya sa Quezon ang nakinabang sa livelihood training program ng San Miguel Corporation (SMC) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ito ay matapos palawigin pa ng San Miguel ang livelihood skills and job training program nito sa Sariaya, Quezon matapos na unang ilunsad ang programa sa Bulacan.

Target ng SMC na makapagtayo ng state-of-the-art integrated agro-industrial complex sa Sariaya na kapapalooban ng brewery, grains terminal and feedmill, ready-to-eat food manufacturing plant, fuel tank farm, at port facilities.

Sinabi ni SMC president and chief operating officer Ramon S. Ang na sasailalim sa training at skills development ang mga residente sa lugar upang maging handa sila sa mga magbubukas na trabaho.

“Apart from training those who want to get jobs, we’re also equipping other members of the communities with skills to build their own small businesses that can directly or indirectly support our workers. Our goal since this pandemic started has been to create as many jobs we can by pushing through with our major investments. This is how we can best support our economy, and help in a meaningful and sustainable way so many Filipinos who are struggling through this crisis,” ayon kay Ang.

Sasailalim sa libreng pagsasanay para sa Organic/Urban Farming/Edible Landscaping at Fish/Meat Processing ang nasa 50 mga residente sa Sariaya.

“These courses are for free. Once we have completed the training of all San Miguel-Christian Gayeta residents, we will be opening these TESDA courses to whole of Sariaya and Pagbilao for those who are willing to learn and want to have new livelihood opportunities,” dagdag ni Ang.

Noong Sept. 30 ay binuksan ang parehong programa sa Bulacan para ihanda ang mga residente sa itinatayong P734 billion Manila International Airport.

 

 

 

 

 

 

Read more...