Malaking bahagi ng bansa uulanin pa rin ngayong araw dahil sa LPA at Habagat


Patuloy na makararanas ng papg-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 310 km West Northwest ng Coron, Palawan.

Dahil sa LPA, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Ayon sa PAGASA, nasa West Philippine Sea na ang LPA at kung magiging ganap itong bagyo ay maaring palabas na o ‘di kaya ay nakalabas na ng bansa.

Localized thunderstorm naman ang iiral at makararanas lamang ng isolated na pag-ulan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, at BARMM.

Habang apektado naman ng Northeasterly Surface Windflow ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Ayon sa PAGASA, hanggang sa weekend ay makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat at sa Lunes pa inaasahang gaganda ang panahon sa Metro Manila.

 

 

 

 

Read more...